
whatta day!!!
oki,, today, i am a different person. literally. this is not faye. kate has invaded faye's blog. beware. *insert evil laugh here* ;p
morning...me(kate) came very early today at mcdonalds' marcos, and faye kept me waiting for like... FOREVER. [as if!!! duh! feeling..---faye]
*sorry, weve just finished watching mean girls...hangover. ;p*
so, i rode with faye, in her new red porsche with customized interiors... windows down... with the wind blowing in our hair... listening to gangsta music... [wahahahahaha!---faye]
as soon as we arrived at the ISO bldg, (that we recently had renovated 'coz it didn't meet our standards of elegance), we sat through long hours of discussions involving geometry and trigonometry, which we are TOTALLY experts in. no need to listen... and so, we spent our time sharing laughs and precious memories together... with our newfound, heir and heiress, chums. (meaning... for those of you who cannot comprehend... our über RICH and elite friends...) +++HI GUYS!!! see ya tomorrow co-RK's!!!+++ once in a while, we would take down notes with our really expensive, imported from Italy, 24k, fountain pens, on our parchment sheets. [maluma-luma na!!! hahaha... sepia mode ang background...]
from ten o'clock to ten thirty, we would hang out at the canteen with all of our other friends whom we dearly love. [yiheeeee... they love us too. ;p] usually, we just buy mineral water coz the food there is like... so povy ha... [HAHAHA] that is why, tomorrow, we're gonna bring our own gourmet snacks to share with our fellow RK's... we're planning to go to the Red Crab for lunch coz you know us... class. *raises eyebrow* *insert ringing laughter here*
tae. 'di ko na makayanan. eto nangyari!!!
TOTOO NA 'TO.
kanina, bumaba ako ng makdo markos at sumakay kela pey patungong ISO. para sa mga hunghang na hindi alam kung nasaan yun... sa loob ng ATENEO yun. sa may gate 3 ha. [HAHAHA] dumating kami past 8 pero swak... 'pag pasok ng pintuan... tinawag ang apelyido ko... "Cembrano?" "ito po maam!" [HAHAHAHAHAHAHA] nagtungo kami ni faye sa aming puwesto sa may bandang likuran ng silid-aralan. ;p
nagsimula ang guro sa pag-diskas *hiram na salita* ukol sa Geometry kung saan kami ay bihasa na, *anyabaaaaaaang*, dahilan sa magaling at respetado ang gurong nagturo sa'min nito nung ikatlong baitang ng mataas na paaralan nitong nakaraang taon. tunay na kami'y nadalian sa sabjek na ito. NGUNIT. nang nagsimula na ang diskusyon ukol sa Trigonometry... nagsimula na ring magsebo ang aming mga utak. napuno ng katatawanan at kalokohan ang aming araw dahil rito... hindi pa kasi namin ito nadidiskas *hiram* sa aming paaralan. kung saan-saan umabot ang aming mga kwentuhan nina nique, meca, rj, adrian, ged, atbp. masaya naman ang aming klase. hinihintay na lang naming muling mapalabas sina rj at adrian dahil sa kanilang kakulitan. [HAHAHA]
matapos ang aming klase, kami ay naglakad patungong Batibot tree kung saan aming nakasama si ate Joy. pinahiram kasi ni faye ang kanyang kostyum. minsan, papanuorin namin sila (CADZ) sa kanilang training. hindi ba't masaya!?
nilakad namin mula ISO patungong katipunan. dahil sa wala na kaming pantrike... nilalakad na lang namin. ;p ehersisyo pa. mabuti sa baga. ;p dahil wala na rin kaming pangkain, kami ay tumungong mcdo upang tumambay kahit na walang kinakain dahil may erkon dun eh... hina nga lang... sobrang init pa rin dahil ang daming hunghang na mga feeling cool na naroon nagiingay. banognog.
sinundo kami sa may istarbax ng mga alas-dose y medya. umuwi. kumain. nanood ng mga kagaguhang pelikula gaya ng Kung Fu Hustle at Mean Girls. [jologs kasi si Faye, di pa napapanood yun] [kasi naman noh.. di ako ganun kaarts] masiyado kami naimpluwensiyahan ng Kung Fu Hustle at kung tumayo kami ngayo'y Chinese Get-up pa... kung magaabutan kami ng suklay, nakaporma dapat. wanna see? ;p
kumain kami ng hapunan at nayayang pumunta sa Cherry, ang aming personal pantry. *anyabaaaaang* kumuha kami ng mga litrato sa may wine cellar at sa ref... at sa... ALAM NIYO NA. pagod na kami. umuwi muli. naghalungkat ng mga litrato sa kwarto ni kate at ngayo'y nagpupuyat sa tapat ng computer upang may maisulat ukol sa napaka-"exciting" na araw na ito.
salamat sa pagbasa.
you have just wasted like... 5.674783 minutes of your life reading this.
toodles! ;p
haneehs +++kate+++ and ~~~faye~~~
@ 10:45 PM